Nagpahayag ang ilang PBA coaches tungkol sa kanilang prediksyon sa NBA finals. Magsisimula ang finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Mimai Heat sa Huwebes (PH time).
Maraming storylines ang nasabing series. Nakatuntong ang Lakers sa finals after 10 years. Ang Miami naman ay pagkatapos ng 6 years.
Makahaharap ni LeBron James ang dati niyang team. Kung saan naging bahagi siya ng championship noong 2012 at 2013.Kapwa kilala at sikat si LeBron at si Miami coach Erik Spoeltra. Ika ni NLEX coach Yeng Guiao, bet niya ang Heat.
“Heat in 7… Pinoy for Spo,”aniya .
“Yes they’re the underdogs, they play more of a team. LA, on the other hand, is LeBron-AD.”
Ayon naman kay Ginebra coach Tim Cone, LA aniya ang heavy favorite ang Lakers. Pero, dahil sa kaibigan niya si coach Erik, kakampi aniya siya sa Heat.
“I don’t have a very good crystal ball, but I’m very happy the Heat are back in the Finals,” ani Cone.
“LeBron and AD will be a load for the Heat and I think the Lakers will be heavily favored.”
“But you can’t underestimate the Heat, they found ways to win. My heart says Miami in 7,” dagdag ni Cone.
Para naman kay Meralco Bolts coach Norman Black, pabor siya sa Lakers. Pero ang puso niya ay para sa Heat.
Aniya, gusto niyang magkampeon muli ang Miami mentor.
“With the Heat entering the Finals, I’m hoping Miami will spring an upset because I want to see coach Spoelstra win.”
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison