Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya masisiguro ang mapayapang halalan sa Mayo 9.
“I cannot guarantee you that it will be peaceful. There will be one or two or three,” sambit ni Duterte sa isang interview kasama si Pastor Apollo Quiboloy sa Sonshine Media Network International kahapon.
“And even dito sa Mindanao. I mean, even the warring factions diyan sa Cotabato. Sinabi ko talaga sa kanila “I will not allow terrorism sa election. I will not allow violence. Kampanya lang kayo,” dagdag niya.
Nagbabala naman ang Pangulo na pupuntahan niya ang mga lugar na may naiulat na karahasan.
“Pero iyong mga magsabi mag-warlord-warlord, ah wala na talaga kasi pupuntahan ko talaga kayo. Maniwala kayo, pupuntahan ko kayo,” saad niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA