Patuloy mga Cabalen ang pamahalaan sa paghahanap ng solusyon upang tugunan ang mga problema ng bansa.
Mga programang sana ay pinag-aaralan upang puksain at solusyunan ang mga pangambang bumabalot sa bawat isa sa atin.
Ang Pangulong Duterte ay bumubuo ng task force upang ipairal ang ibat-ibang alituntunin ayon sa batas.
Nang lumabas ang usaping plano ng pamahalaan na gawing batas ang National ID System, marami sa ating mga kababayan ang nagtaas ng kilay dahil wala daw itong maitutulong. May mga nag-kibit balikat din sapagkat sila ay nag-aalinlangan.
Ayon sa pamahalaan, malaki ang magagawa ng National ID System. Makatutulong ito sa mabilis na proseso ng ating pagkakakilanlan na magagamit ng ibat-ibang sangay ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng National ID System, magiging madali para sa mga kinauukulan ang pagpapairal ng batas. Magiging maayos ang pagkuha ng impormasyon na kinakailangan sa pamamagitan ng identitification number na itatalaga sa bawat isa.
Sa ilalim ng sistemang ito, lahat ng 18-anyos pataas ay magkakaroon ng ID. Nakasaad din dito ang pangalan, date of birth, place of birth. Gayundin ang address, nationality at biometric information.
Ang pinag-aalinlanganan ng ating mga Cabalen, maipatupad kaya ito ng maayos? At kung ito’y umiral mabawasan na kaya ang masalimuot na sistema na problema na ating kinagisnan?
Sa pagtugis sa mga lumalabag sa batas, sana nga makatulong ang National ID System. Sapagkat kadalasan mga Cabalen ang nagpapatagal sa pag-usad ng kaso ay ang mahabang proseso ng pagkalap ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng isang tao.
Samantala, kung sa pagpapatupad ng Anti-Terror Act of 2020, sa aking palagay ay malaki ang maitutulong para kilalanin ang mga terorista at subersibo. Ito’y kung tama ang impormasyong makakalap at ilalakip dito.
Kung tama ang proseso at pagpapairal, malamang na makatulong, sapagkat ID number lamang natin ang kukunin ay makakalap na ang lahat ng impormasyon ng ating pagkatao.
Sana lang din hindi ito magamit ng masasamang loob na siyang mag-iingat sa mga numerong ito ng ating ID sapagkat sa likod nito ay ang buong history natin.
Kung ipaiiral ito ng tama, malamang ay maging mabilis ang pagdating ng ayuda sa tuwing kailangang magpadala ng saklolo ang pamahalaan. Hindi na magiging mano-mano at manggagaling lamang sa kaisipan ng mga mayor at kapitan ang listahan ng mga taong matutulungan.
Ang siste, wala pang pahayag ang Pahilippine Statistics Authority hinggil sa programang ito ng pamahalaan. Ang ibig sabihin ba nito sila ay kibit balikat lamang? Kung kayo ang tatanungin mga Cabalen ok ba kayo sa sistemang ito?
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!