
Nanguna si Paul George sa pagpatiklop ng Los Angeles Clippers sa Charlotte Hornets, 120-106. Lalo na ang pananalasa sa 4th quarter drought ng huli. Sinamantala ng Clippers ang pagkakataon upang tambakan ang Hornets. Kumana si George ng 20 points, 9 boards at 8 assists.
Nag-ambag naman si Reggie Jackson ng 19 points, 6 assists at 2 boards. Habang si Kawhi Leonard ay bumira ng 18 points, 3 assists at 2 boards. Sa panig naman ng Charlotte, bumanat si LaMelo Ball ng 21 points at 7 boards. Nag-ambag naman si Kyle Oubre ng 16 points at 4 rebounds.
Sa iba pang laro, nanguna si Jordan Poole sa pagbomba ng Golden State Warriors sa Houston Rockets, 120-107. Kumana si Poole ng 25 points, 5 assists at 4 boards. Habang si Stephen Curry ay gumawa ng 20 points, 3 boards at 3 steals.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo