
Balik aksyon sa paglalaro ng basketball si Pau Gasol, 40, makalipas ang dalawang taong pamamahinga sa NBA.
Katunayan, naglaro siya sa Barcelona sa Euro Basketball League.Ang Barcelona ang una niyang team kung saan nagsimula ang kanyang career 2 dekada na ang nakalilipas.
Hindi na naglaro ang dating 2-time NBA champion sa L.A Lakers sapol noong 2019. Huli siyang naglaro sa koponang Milwaukee Bucks.
Naging problema ni Gasol ang kanyang injury sa paa. Kung kaya, ito ang naging hadlang sa kanyang paglalaro. Dahil dito, nagpasya siyang bumalik sa Spain.
Mula rito, muling na-revived ang kanyang career sa Barcelona. Sumalang siya sa unang laro kontra Bayern Munich. Ngunit natalo sila sa iskor na 72-82.
Nagtala si Gasol ng 9 points mula sa 4-of-9 shooting. Nakahablot din siya ng 4 boards mula sa 13 minutes na paglalaro.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo