Hindi sang-ayon si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa mga panawagan na huwag nang pondohan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC) sa susunod na taon.
Sa kanyang pag-suporta sa Anti-Insurgency Task Force, iginiit ni Dela Rosa ang magandang bunga ng NTF-ELCAC base na rin aniya sa kanyang personal na karanasan bilang dating bahagi ng unirpormadong hanay ng gobyerno.
Aniya, dati ay hirap ang militar na makapasok sa mga bundok sa Davao region dahil pinamumugaran ito ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ngunit ngayon aniya ay napapasok na nila ito ng malaya.
Una nang iginiit ng senador na maling hakbang ang bawian ng pondo ang NTF-ELCAC lalo’t ngayon ay nakakaabante na tayo sa halos 50 taong pakikipaglaban sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines- New Peoples Army- National Democratic Front). Sinabi pa ng mambabatas na tiyak na magiging madugo ang magiging deliberasyon para sa panukalang 2022 national budget dahil titindigan niya ang pondo ng NTF-ELCAC.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY