Umabot na sa 598 ang namamatay dahil sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela batay sa pinakahuling ulat ng mga City Health Units ng mga nasabing lungsod.
Ayon sa Malabon City Health Department, 210 na ang namamatay sa pandemya sa lungsod.
Samantala, 11 ang nadagdag na confirmed cases nitong Oktubre 28 at sa kabuuan ay nasa 5,562 ang positive cases, 189 dito ang active cases.
Nabawasan ng isa ang datos ng mga kumpirmadong kaso sa Barangay Dampalit dahil base sa validation ay hindi residente ang pasyente. Mula 160 ay magiging 159 ang bilang nito.
Kaugnay nito, 29 ang nadagdag sa bilang ng mga pasyenteng gumaling at sa kabuuan ay 5,163 ang recovered patients ng Malabon.
Sa Navotas City naman ay 147 na ang namamatay dahil sa COVID-19 hanggang Oktubre 28.
Umabot na sa 5,125 ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Sa bilang na ito, 4,890 na ang gumaling at 88 ang active cases.
Sa ulat naman ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng Valenzuela City na may petsang Oktubre 27 ay 241 na ang namamatay dahil sa pandemya sa lungsod.
Sumampa na sa 7,731 ang confirmed cases sa lungsod. Sa bilang na ito, 7,322 na ang gumaling at 168 ang active cases. Sa hindi batid na dahilan, Oktubre 1 pa nang huling maglabas ng COVID-19 update ang Caloocan City Health Department, at hindi pa naa-update ng Public Information Office ang website ng lungsod na ang mga laman ilang araw bago mag-Nobyembre ay mga kaganapan pa noong buwan ng Hulyo.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE