HAHATAW at magpapasiklaban ngayong tag-araw ang mga bagito, beterano at powerhouse tracksters sa bansa sa pag-arangkada ng Philippine Athletics Championships na mas kilalang National Open at nagbabalik sa maunlad na Siyudad ng Ilagan sa Lalawigan ng Isabela.
Higit sa 1,000 atleta ang kumumpirma ang partisipasyon sa prestihiyosong Athletics competition na ini-host ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Josemarie Diaz na suportado rin ng Milo.
Malaking hamon ang nakaamba sa miyembro ng elite national team, fil-foreign tracksters kontra mga umuusbong na mga bagito pero potensiyal na atleta sa bansana handa ring hamunin ang mga dayuhang tracksters mula sa ating kapit-bansa sa Asia.
Ang naturang kaganapang nauna nang lumarga noong 2017 at 2019 pre-pandemic sa Ilagan City ay aasahang magiging magarbo at makulay ang pambungad seremonya sa pagsisikap ng LGU ni Mayor Diaz at mahuhusay na kawaning may timon sa sports development program ng Ilagan katuwang ang mamamayan sa pakikipagtulungan ng organisador Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na silang may hawak ng baton sa 6 na araw na paligsahan mula Marso 21 hanggang 26.
Inaasahan din ang lalo pang pagsigla ng turismo pang-lokal at international sa pagratsada ng ultimate Athletics Championship sa bansa.
Tiyak na may lulutang na mga bagong pangalan na madidiskubre sa naturang kaganapan na barometro at qualifying event din ng pagiging miyembro ng national athletics team na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games Cambodia, 2023 sa Mayo.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund