MANILA, PHILIPPINES
Tuluyan nang sinampahan ng sex trafficking case ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), The Name Above Every Name na si Apollo Quiboloy kaugnay ng umano’y pamimilit sa mga dalaga at iba pang babaeng “tagapagsilbi” nito na makipagtalik sa kanya bilang bahagi ng kanilang “walang hangganang pagsumpa.”
Ayon sa U.S. Justice Department, bukod kay Quiboloy, kinasuhan din ang dalawang kasamahan nito na si Teresita Tolibas Dandan at Felina Salinas dahil sa pagre-recruit ng mga babaeng edad 12-25 upang magtrabaho bilang personal assistants o “pastorals” ng kanilang religious leader.
Sa rekord ng kaso, bukod sa paghahanda ng makakain, paglilinis ng bahay at pagmamasahe, inoobliga rin ni Quiboloy ang mga “pastorals” na makipagtalik sa kanya o ang tinatawag na “night duty.”
Kabilang umano sa naging biktima ni Quiboloy ang limang babae, tatlo sa mga ito ay menor de edad nang magsimula ang sex trafficking incident noong 2002 at nagpatuloy hanggang 2018.
Binanggit sa demanda, ang mga babaeng pumapayag sa kagustuhan ni Quiboloy ay binibigyan ng pabuyang “masasarap na pagkain, mamahaling hotel room, pamamasyal sa mga tourist spots, at taunang cash payment na kinukuha sa naso-solicit ng mga tauhan ng KOJC sa United States.
May teorya ang mga awtoridad na si Quiboloy, may-ari ng malalaking bahay sa Hawaii, Las Vegas at Los Angeles, nagtatago sa Davao City sa Pilipinas, kasama ang iba pang akusado sa kaso.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR