Lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Women na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros na may mga menor de edad din na biktima ng trafficking sa Syria para magtrabaho bilang household worker.
Sa pagdinig ay inilabas ni Hontiveros ang recorded interview ng tatlong biktima na sina alyas LenLen, 14-anyos, at ang parehong 16-anyos na sina alyas Omaimai at alyas Aleah.
Ayon kay LenLen, naipuslit sya noong 2018 mula Shariff Aguak, Maguindanao gamit ang pekeng pasaporte mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) Cotabato kung saan dinoktor ang kanyang edad.
2008 naman ng ipuslit patungo sa Syria si Omaimai mula Sultan Kudarat, Cotabao at Aleah mula Barongis, Maguindanao at nakalusot sila gamit din ang dinoktor na passport.
Binanggit naman sa hearing ni Pastillas Scheme whistleblower Immigration Officer Alex Chiong na target na biktima ng trafficking ang mga menor de edad na babeng Muslim dahil natatakpan ang kanilang mukha ng Hijab.
Nabatid din ni Hontiveros na isang Immigration Officer na may apelyidong Jali-Jali ang sangkot dito at iniimbestigahan na ng mga otoridad.
Sa pagdinig ay inihayag naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na 43 officer ng Bureau of Immigration (BI) na hinihinalang sangkot sa trafficking ang sinibak na sa pwesto. Sabi ni Morente, naisumite na niya sa Department of Justice (DOJ) ang rekomendasyon ng BI fact-finding committee na sampahan ng reklamong grave misconduct at gross neglect of duty ang nabanggit na 43.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM