ARESTADO sa ikinasang buy bust operation ng pulisya ang isang lalaki na pilit umanong pinagbebenta ng illegal na droga ang kanyang 10-anyos na anak na batang lalaki sa Navotas City.
Ayon kay P/Capt. Gregorio Cueto, deputy chief ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), mahigit isang taon na umanong sapilitang pinagbebenta ng kanyang mga magulang ang bata at kung tumanggi ay pinagpapalo umano ito.
Kamakailan lang umano nagsumbong ang bata sa kanyang mga kaanak na sila namang nag-report sa pulisya. “Mismong bata ginagawa nilang kasangkapan, nagiging biktima lang po sila ng maling paraan ng pamumuhay ng kanilang mga magulang,” ani Capt. Cueto.
Sa kuwento pa ng bata sa pulisya, nagsa-shabu din umano ang kanyang mga magulang sa mismong harap niya.
Sinabi naman ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, naaresto ang ama ng bata na si alyas “Ben”, 29, (listed/user), at kasama nito na si alyas “Pango”, 50, sa buy bust operation ng SDEU sa Badeo 5 St., Brgy. San Roque, alas-3:18 ng madaling araw.
Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 15.21 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P103,428.00 at buy bust money.
Itinanggi naman ng suspek ang paratang sa kanya at hindi rin umano siya nagbebenta ng droga.
Mahaharap nang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA