Samu’t saring pagsubok ang kinaharap nating mga Pilipino. Ika nga ng iba, mala sang taong 2020.
Pinakatampok sa pagbibigay ng malas ang COVID-19 pandemic. Isama pa ang ilang natural calamities gaya ng bagyo, lindol, baha at iba pa.Tumamlay ang ekonomiya, matumal ang benta sa mga tiangge’t merkado.
Dahil sa pandemya, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Kung meron man, kakarampot na lang ng suweldo. Hindi na aniya normal ang buhay natin ngayon.
Nakadagdag pa ang ilang suliranin. Kabilang ang mga bayarin o due date. Mga sunog, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, trapik, water interruption at iba pa.
Marami sa ating mga kababayan ang dumadaing. Kelan daw ba matatapos ang dagok ng buhay? Kaya, ang nasasabi ng ilan, Paskong Tuyo ang kanilang mararanasan.
May punto nga naman. Gayunman, ang Pilipinas ay isang nasyon ng mga relihiyosong tao. May pagtitiwala sa Diyos.
Kahit humaharap tayo sa mga pagsubok, nananatiling positibo ang pag-asa nating mga Pilipino. Makakabangon sa kabila ng krisis.
Ika nga, ang Pinoy kahit wala, kahit wala nagkaka-meron. Tanging pananampalataya na lang ang ating masasandalan mabisa sa ngayon. Na idinadalangin na hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Makisama sana ang kinauukulan at ilang indibidwal na nagpapagalaw ng takbo ng ekonomiya at iba pang salik sa ating lipunan. Konsiderasyon nila ang ating kailangan.
Paskong Tuyo man ang maranasan, hindi natin magiging alintana ‘yan. Ano man ang meron o mapagsaluhan, basta buo at sama-sama ang pamilya, masaya na tayo.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur