Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte at ng kayang bise alkalde na si Gian Sotto, kasama ang mga konsehal, staff at mga department head ang pagpapailaw sa higanteng Christmas tree sa Quezon City Hall bilang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Kasabay sa pagbubukas ng higanteng Christmas tree, may pa libreng pang street food sa QC Hall para sa mga empleyado at kanilang pamilya na nakisaya sa programa.
Binigyang-diin ni Belmonte ang kahalagahan ng pag-asa ng bawat QCitizen at pagbangon ng lungsod mula sa mga hamon ng nakalipas na dalawang taon. Inialay din niya sa Poong Maykapal ang tagumpay ng lungsod, at ang pagpupunyagi ng mga kawani ng pamahalaan.
“Kaya naman ngayong pasko, let’s spread Hope, Love, and Joy sa QC,” ayon sa alkalde.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA