ASTIG na astig daw ang arrive ng isang alyas ‘ERIC’ na itinuturong operator ng illegal na negosyong “PASINGAW” ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Barangay Lalig sa Tiaong, Quezon.
Wala raw kinakatakutan at sinasanto ‘yang si ‘Eric’ kaya ang kanyang operasyon ay naisasagawa niya sa mismong tungki ng ilong ng mga kagawad ng PNP at CIDG sa naturang lalawigan.
Hindi natin alam kung masyado bang “MATATANGOS” ang ilong ng mga kagawad ng nasabing mga awtoridad kaya hindi nila napapansin man lang ang operasyon ni alyas ‘Eric?’
Kaya naman hindi na kailangan magtago-tago o sumimple-simple pa ni alyas ‘Eric.’
Sa ngayon nga ay lantaran kung isagawa ni ‘Eric’ ang pagpapasingaw ng LPG na matatagpuan malapit sa lumang sabungan na pinipilahan ng mga kustomer na bumibili ng nakaw na produkto sa murang halaga.
Hindi lang si Eric ang itinuturong utak ng “PASINGAW” diyan sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon.
Ayon sa ilang residente, ‘kasabwat’ din umano ni ‘Eric’ si Brgy. Chairman Gener Colot. E di wow!
Totoo ba ito, tserman? Paki-explain.
Mayroon pa pong karugtong. Huwag bibitiw.
More Stories
BILLARAN JUDGE SINIBAK NG SC
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season