Maayos na naipamahagi ng Pasig City ang first dose ng COVID-19 vaccines sa 100% na senior citizens ng lungsod, dahilan para maging kauna-unahan na local government unit na nabakunahan ang lahat ng karapat-dapat na seniors.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, pinaigting nila ang pagpapalaganap ng impormasyon at house-to-house registration sa mga nakatatanda nating kababayan.
“Word of mouth talaga. Tapos pinuntahan namin. Naghouse-to-house registration,” saad ni Sotto.
“Lalo na sa lugar na mahina ang internet connection,” punto pa niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA