Halos hindi na makita ang tubig sa Ilog Pasig sa Binondo Maynila dahil sa subrang kapal ng water lily ang palutang-lutang at nahirapan na ring makaarangkada ang mga barge at ferry boat sa nasabing ilog (JHUNE MABANAG)
PANSAMANTALANG inihinto ang operasyon ng Pasig River Ferry Service matapos mapuno ng water lilies ang malaking bahagi ng naturang ilog sa Maynila.
“Last Saturday pa po natigil ang aming operasyon sa kadahilanan po sa sobrang dami ng water hyacinth,” ayon kay Irene Navera ng Pasig River Ferry Service central administration.
“’Yong efficient operation is naapektuhan. ‘Pag ang ating mga bangka ay napuluputan ng water lily,” dagdag pa niya.
Una rito, pahirapang tinanggal ng isang crew ng ferry service ang ilang water lily.
Gayunpaman, hindi pa matiyak ng Pasig River Ferry Service kung kailan sila magbabalik-operasyon.
“From June to November, sobrang dami po ang bilis po mag-produce ng water hyacinth during rainy season so hindi po namin kontrolado ‘yon,” ani ni Navera.
Tuwing sasapit ang tag-ulan, sinasakop ng mga water lily ang malaking bahagi ng Ilog Pasig.
Ito ang nagiging problema ng maliit na vessels dahil hindi sila makadaan sa naturang ilog dahil ang mga ugat at dahon nito ay pumupulupot sa mga elisi, na nagiging dahilan ng paghinto.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE