May 8, 2025

PASIG GINULAT! ATE SARAH DISCAYA MAY MAS BONGGANG CITY PROJECT — MAS MURA KAY VICO

Pasig City — Binakbakan ng Team Kaya This ang P9.6 bilyong “Pasig City Hall” project ni Mayor Vico Sotto! Ayon kay Curlee Discaya, mister ni mayoral candidate Sarah Discaya, kayang-kaya ni Ate Sarah na magpatayo ng mas maraming makabagong gusali sa halagang Php8.7 bilyon — mas mura ng Php900 milyon kumpara sa proyekto ni Sotto.

“Kung nagawa ni Mayor Vico, mas kaya ni Ate Sarah — mas marami, mas matibay, at mas mura!” ani Kuya Curlee, CEO ng St. Gerrard Construction Contractor and Development Corp., isang Quadruple “A” construction firm na nakabase sa Barangay Bambang, Pasig.

Sa kanyang presentasyon sa media at bloggers, inilatag ni Curlee Discaya ang plano ng kanyang misis sakaling mahalal bilang bagong alkalde ng Pasig. Narito ang mga proyektong target ipatupad mula 2025 hanggang 2028:

  1. Bagong City Hall Building – Php2.7B
    Mas functional, hindi palabas. Serbisyo muna, hindi engrandeng opisina.
  2. Isang 11-storey na ospital – Php500M
    Para sa mga nanay sa tricycle at pamilyang walang pambayad.
  3. Lima (5) 11-storey Housing Buildings – Php2.0B
    Tunay na tahanan para sa informal settlers ng Pasig.
  4. Isang 11-storey na University Building – Php500M
    Edukasyon para sa marunong ngunit kapos.
  5. Lima (5) 7-storey High Schools – Php500M
    Walang siksikan, mas maayos na pag-aaral.
  6. Lima (5) 4-storey Elementary Schools – Php500M
    Magsimula ang kinabukasan sa ugat, hindi sa dulo.
  7. Dalawang (2) tulay – Php300M
    Hindi lang tawiran, kundi tulay ng oportunidad.
  8. Sampung (10) 3km na bagong kalsada sa Brgy. Pinagbuhatan – Php100M
    Para sa mga nasa dulo ng Pasig — hindi sila kalimutan.
  9. Sampung (10) 3km na drainage at flood control system – Php100M
    Tapusin ang baha, ‘wag na matulog sa sako ng buhangin.
  10. 30 Multi-level Multi-purpose halls at covered courts – Php1.5B
    Para sa kabataan, komunidad, at pangarap.

Kabuuang halaga: Php8.7 Bilyon.

Tiniyak din ni Kuya Curlee na hindi sila sasali sa anumang bidding ng proyekto — alinsunod sa batas na bawal sa mga kamag-anak ng halal na opisyal ang tumanggap ng government projects.

“Walang kamag-anak, walang palakasan. Ang mananalo sa bidding, bantay-sarado. Kapag lumabag, kakasuhan, itatapon sa kulungan!” ani Curlee.

Binira rin ni Kuya Curlee ang umano’y sobrang taas ng halaga ng kasalukuyang proyekto ni Mayor Sotto.

“Php210,000 per square meter daw ang city hall nila — presyo ng gusali sa Dubai! Samantalang sa plano ni Ate Sarah, Php70,000 lang per square meter,” giit niya.

Bagama’t nilinaw niyang hindi siya direktang nagsasabi ng korapsyon, sinabi niyang handa siyang ilahad ang cost breakdown ng Php8.7B proposal nila para sa transparency.

Sa huli, hinimok niya ang mga botante ng Pasig:
“Kung gusto ninyo ng mas maganda, mas mura, at tunay na serbisyo, kilala n’yo na ang iboboto n’yo ngayong May 12.”