November 2, 2024

PASAY PUBLIC HOSPITAL SINUSPINDE COVID-19 ADMISSION


SINUSPINDE ng Pasay City General Hospital (PCGH) ang pagtanggap nito ng mga pasyente na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang advisory na ipinoste sa Facebook, sinabi ng naturang ospital na hindi muna sila tatanggap ng COVID-19 patients simula nitong Miyerkules dahil malapit na sa kapasidad ang emergency room (ER), intensive care units at COVID-19 wards ng nasabing ospital.

Ayon kay PCGH officer-in-charge (OIC), Dr, John Victor de Gracia, sa hiwalay na press release nitong Biyernes, tanging natitira na lamang ay regular na COVID-19 beds para sa dalawang adulst at dalawa sa pediatrics at isa sa ICU.

Wala na ring bakanteng transition beds sa emergency room ng ospital.

Inihayag din ni De Gracia na 16 pang COVID probable patients ang naghihintay ng resulta ng kanilang RT-PCR test.

Wala ring OB-GYN services ngayon sa PCGH, Pasay City, nasa full capacity na muli para sa COVID at non-COVID admissions.