November 3, 2024

PASAY, PARAÑAQUE GINUNITA ANG ‘FIRE PREVENTION MONTH’

Kuha mula sa BFP -NCR Pasay City

Maagang nagsagawa ng motorcade ang hanay ng Bureau of Fire Protection sa lungsod ng Pasay at Parañaque kasabay ng pagsisimula ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Pinangunahan ng mga miyembro ng BFP sa mga nasabing lungsod at ng iba’t ibang fire volunteer ang aktibidad na naglalayong paalalahanan ang publiko laban sa sunog.

Sa temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa,” inikot ng mga truck ng bumbero ang iba’t ibang lugar sa lungsod ng Pasay, partikular sa EDSA Taft Avenue at Ninoy Aquino Avenue sa Parañaque upang paalalahanan ang mamamayan laban sa sunog.

Ayon sa BFP, bagaman nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa, mahalagang maging alerto pa rin sa sunog sa mga lugar na kanilang tinitirhan o inuukupahang estraktura.

Bahagya naman nakaapekto sa mga motorista ang mahabang motorcade ng mga bumbero sa ilang kalsadang naikutan sa lungsod ng Pasay at Parañaque.