PASAY CITY – Arestado ang pitong Chinesse National dahil sa paglabag sa city ordinance sa lungsod ng Pasay at nakuhanan pa ng illegal na droga sa Hobbies of Asia kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard sa nasabing na lugar.
Kinilala ang mga dayuhang suspek na sina Deng Hong Sheng 24 yrs old, Kai Liu, Li Mingfa, Li Xuan, Li Donghui, 27, Huang Chun Wei at Ruan Gouhui, 27 years old, pawang nakatira sa Unit 1219 Azure Urban Resort Residence sa Parañaque City.
Sa inisyal report ng Pasay Police nagpapatrolya ang ilang police personnel sa kahabaan ng Macapagal Blvd upang ipatupad ang health and safety protocols ng gobyerno kung saan namataan ang mga Chinesse National na naninigarilyo sa pampublikong lugar.
Nang lapitan ng mga pulis para palalahanan ang mga Chinesse kaugnay sa city ordinance at guidelines ng gobyerno na nilabag ng mga dayuhan at isyuhan ng ticket para sa kanilang violation.
Dumukot ang isang Chinesse National ng identification card subalit may nalaglag mula sa bulsa nito na isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa 4, 760.00 ang halaga nito.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga cellular phone, vape at iba pang kagamitan. Nasa kostudiya na ng Pasay police ang mga Chinesse National na nahaharap sa kasong paglabag sa city ordinance at paglabag narin sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA