MARAMING commuter ang na-stranded at bumper to bumper ang trapiko sa Quezon City nang simulan ng mga transport group na Manibela at Piston ang kanilang dalawang araw na tigil-pasada bilang pagtutol sa PUV modernization program.
Sa Commonwealth Avenue, Philcoa, dumagsa ang mga commuter habang naghihintay ng kanilang masasakyan.
Tinatayang nasa 90,000 Piston at Manibela members ang lumahok sa nationwide strike.
“Naging miserable ang mga pasahero dahil sa ginagawang pang-aabuso ng DOTr at LTFRB,” ayon sa Manibela.
Una nang nag-anunsiyo ang LTFRB ng “Libreng Sakay” bilang pantapat sa tigil-pasada.
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON