DINAKIP ng mga awtoridad sa NAIA Terminal 3 ang isang lalaking pasahero na papunta sana sa Zamboanga matapos magbitbit ng illegal na droga.
Ang naturang lalaki, na itinago ang pangalan, ay naaresto nang mahulihan ng droga sa security checkpoint sa nasabing paliparan.
Isinagawa ang pag-aresto ng mga miyembro ng NAIA-Philippine Drug Enrforcement (PDEA) – IADITG.
Nabatid na pasakay na sana ang nasabing pasahero sa Cebu Pacific flight papuntang Zamboanga nang harangin siya sa final security checkpoint dahil sa pagdadala ng 2.2 gramo ng hinihinalang shabu.
Nasa kustodiya siya ngayon ng PDEA habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at inihahanda na rin ang karampatang kaso laban sa kanya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA