December 29, 2024

PASAHERO ARESTADO NG BOC, PDEA, NAIA-AIDITG SA P56.7-M SHABU

Naaresto ngayong araw ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang Norwegian passenger na may bitbit na bagahe na naglalaman ng 8.34 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P56.7 milyon sa NAIA sa Pasay City.

Inalerto ng X-ray agent ang mga tauhan ng BOC-NAIA at PDEA sa isang screened baggage na pinaniniwalaang may lamang ilegal na droga sa Terminal 3.

Nabatid na nagmula ang dayuhan mula sa Dubai sa pamamagitan ng Emirates Airlines EK334 kung saan ang point of origin nito ay sa Johannesburg, South Africa.

Agad isinailalim sa K9 sweeping at physical examination ang bagahe kung saan nasamsam ang shabu.

Kakasuhan ang pasahero dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drug Act at RA 10863 o Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).

Nitong Agosto 2022, naaresto rin ng mga awtoridad ang isang pasahero na glaing South Africa na nagtangkang magdala ng P144.3 milyon halaga ng shabu.

Nangangako ang BOC, sa ililalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz na poprotektahan ang bansa laban sa pagpasaok ng illegal goods, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng BOC NAIA na kanilang ipagpapatuloy ang pagprotekta sa hangganan at pakikipagkoordinasyon sa partner agencies upang palakasin ang anti-illegal drug campaign nito.