September 19, 2024

PARTY BAWAL – DOH

HINIMOK ng Department of Health ang mga lokal na awtoridad na ipatupad ang pagbabawal sa superspreader events gaya ng mga party.



Nitong mga nakaraan kasi marami ang nahuli na lumabag sa patakaran kaugnay sa mga pagtitipon, kabilang ang pool party sa Quezon City na nagresulta para mahawa sa nakamamatay na virus ang  50 katao.

Tayo rin po ay nakakausap sa ating mga LGUs at sa ating publiko na ipinagbabawal na rin po ang pagtitipon gaya ng mga parties na maaring maging source ng superspreader events,” ani ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang inuman, tupada, piyesta, parada, beauty contest, prusisyon at iba pang religious event, cultural festival, pool parties at iba pang water recreational activities.