RENEWED PARTNERSHIP. Nakipagkita si CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan (ikatlo mula sa kaliwa) kay PLDT Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan (ika-apat mula sa kaliwa) sa tanggapan ng huli sa Makati City. Ang PLDT ay most important partners ng Clark upang ito’y maging isang modern aerotropolis, smart city at mapipiling destinasyon para sa MICE at tourism. Natatanaw na CDC ang pinalakas na partnership ay hahantong sa improving at future-proofing ng service standards sa zone. Present din sa naturang event (ikalima hanggang ikawalo mula sa kaliwa): Alfredo S. Panlilio, EVP and Chief Revenue Officer of PLDT; Jovy I. Hernandez, SVP and Group Head Enterprise Business, PLDT and Smart; Chito M. Franco, CEO of PLDT ClarkTel, at Victor Y. Tria, First Vice President and Head of PLDT ALPHA Enterprise. Kasama rin sa pagpupulong sina Atty. Michael T. Toledo (kaliwa), Government Relations and Public Affairs Head of Metro Pacific Investments at Dennis Legaspi (ikalawa mula sa kaliwa), CDC Chief of Staff. (A. Gaerlan/CDC)
MALAPIT nang maging smart city, isang premier aerotropolis at tatangkilikin na tourist destination ang Clark Freeport, nang dahil sa pinagtibay na partnership nito sa nangungunang telecom, service at utility providers sa rehiyon.
Upang maitakda ang magandang sistema at pamantayan sa servisyo rito, ay nagtagpo kamakailan lang sina Clark Development Corporation (CDC) President at CEO Manuel R. Gaerlan at PLDT Chairman at CEO Manny V. Pangilinan at tinalakay ang iba’t ibang mga gawain para mapalakas ang ICT capabilities at future-proof sa Freeport.
Ayon kay Gaerlan, ang PLDT ay isa sa pinakamahalagang partner ng state-owned firm dahil malaki ang maiiambag nito para gawing smart at technology-focused investment destination ang Freeport.
Napag-usapan din sa naturang pagpupulong ang iba pang utilities tulad ng fuel distribution sa Clark.
Ang Freeport na ito ay siyang host sa Clark Telecom – isang subsidiary ng PLDT – na itinuturing na isa sa nangungunang internet at telecom service providers sa Clark.
Inilunsad din ng PLDT ang kauna-unahang 5G service sa bansa sa loob ng Clark noong 2018, na pinatindig ang Freeport na maging reliable at may napakabilis na internet connection. Ang 5G service ay ang susi sa pagkamit ng IOT (internet of things) na lumilikha ng smart cities.
Samantala, bukod sa internet at telecommunication services, ang MVP Group of Companies na pinamumunuan din ni Pangilinan, ay nagbuhos din ng iba’t ibang investment at interests sa Freeport.
Kabilang din sa mga opisyal at executives ng PLDT na mainit na tumanggap kina Gaerlan at CDC Chief of Staff Dennis Legaspi sa PLDT office ay sina PLDT Executive Vice President and Chief Revenue Officer Alfredo Panlilio, PLDT and Smart Senior Vice President and Group Head Enterprise Business Jovy Hernandez, PLDT ClarkTel CEO Chito Franco, PLDT ALPHA Enterprise First Vice President and Head Victor Tria, at Metro Pacific Investments Government Relations and Public Affairs Head Atty. Michael Toledo.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna