Magtuloy-tuloy na kaya ang tambalang Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno hanggang sa 2022 national elections?
Sa ngayon, ay para lamang daw sa COVID-19 vaccination efforts ang kanilang partnership, ayon sa dalawang opisyal.
Nakipagtulungan ngayong araw si Robredo kay Moreno upang ilunsad na COVID-19 drive-thru vaccination site para sa mga driver sa Maynila.
Layon ng Vaccine Express na mapabilis ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines sa mga tricycle, pedicab at delivery rider sa naturang lungsod.
Para kay Robredo, hindi dapat bigyang malisya o kulay pulitika ang pagtugon sa pandemya.
“Yung pandemic naman wala namang political color ito diba. Yung trabaho namin, hindi kami dapat tumitingin dun sa ‘preparation ba ito for 2022?’,” saad niya.
Samantala, nagsawalang-kibo naman si Moreno nang tanungin kung ang kanilang partnership ay hanggang sa 2022.
“The expiration of our mandate until June 2022 so yes we’ll be happy,” ayon kay Moreno na ang tinutukoy ang vaccination initiative.
“Natutuwa lang ako kasi anybody na tutulong sa mga taga-Maynila, bilang ama ng lungsod, tinatanaw namin yun ng utang na loob.“
Kapwa iniuugnay sina Robredo at Moreno na posibleng kandidato sa pagkapresidente sa 2022.
Tiniyak ni Moreno na tatakbo siya sa susunod na taon pero hindi nilinaw kung anong posisyon. Kabilang din siya sa mga pinagpililian ni Pangulong Rodrigo Duterte na papalit sa kanya ayon sa MalacaƱang at kabilang sa mga personalidad na nililigawan ng Liberal Party para maging kandidato nila sa 2022.
Samantala, hindi pa nakapagdedesisyon si Robredo sa panawagan na tumakbong presidente ngunit sinabi na kailangan ng oposisyon ng isang pambato na tatakbo bilang presidente.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON