Usap-usapan ngayon sa social media ang pagsama ni ABS-CBN journalist Karen Davila sa campaign rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cavite nitong Marso 22.
Sa ilang video sa social media ay makikita si Davila na nakasakay mismo sa sasakyan ni Marcos habang binabagtas nila ang Dasmariñas City.
Dahil dito ay inisip ng mga netizens na sinusuportahan ni Davila si Marcos.
“Uy, teka! Hindi ba anti-Marcos si Karen Davila? Bakit nandoon sa caravan ni BBM naka angkas pa sa likod. Hahaha! Natawa talaga ako. Unity na ba talaga ito? Ikaw, Karen ah.” ani netizen veaveem.
“What the heck is Karen Davila doing inside the UniTeam campaign in Cavite? Joining the caravan? Joining BBM onstage? Let’s not forget that she has been an out-and-out dilawan. I don’t trust her close presence with BBM.” sabi naman ni @pinoyanghang.
Nilinaw naman ni Davila na hindi siya sumama sa motorcade ni Marcos para suportahan ang kandidato kundi ay parte lamang daw ito ng assignment niya bilang mamamahayag sa ABS-CBN.
“ABSCBN’s Kampanya Serye On The Road & Presidential Intvws shoots today. I have been assigned to trail Presidential Aspirants Bongbong Marcos & Sen Manny Pacquiao. Henry Omaga Diaz is covering VP Leni Robredo & my co-anchors have been assigned to other candidates.” ani Davila.
“Eto po ang resibo sana huwag magkalat ng fake news. Finished my one on one w Sen Manny Pacquiao a few nights ago, will still be joining him on a sortie soon. Today, I am with former Sen Bongbong Marcos for the day. Watch out for the ABSCBN SPECIALS #Halalan2022 soon!” dagdag niya pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA