ISINAILALIM sa lockdown ang dalawang simbahan sa Quiapo at Malate, Manila matapos magpositibo ang ilang pari doon.
Ayon kay Fr. Douglas Badong ng Minor Basilica of the Black Nazareno, may isa silang bisitang pari na nagpositibo sa COVID-19. “We learned his COVID-19 result last June 19, so we ordered then to immediately place Quiapo Church on lockdown,” saad ni Badong.
Nakituloy muna sa parokya sa Quiapo ang nasabing pari matapos abutan ng lockdown sa Maynila. Nalaman na lamang nito na siya ay positibo sa COVID-19
Nilinaw ni Fr. Badong nagpa-rapid test pa ang naturang pari sa Maynila noong Hunyo 10 na nagnegatibo ang resulta. Dahil dito, agad itong kumuha ng travel pass at nilisan ang Maynila patungong Mindanao noong Hunyo 13.
“We learned that from Manila, the priest had a stopover in Cagayan de Oro. So, we are not sure if the priest got the virus here or when he arrived in Mindanao,” saad ni Badong.
Nang malaman na positibo sa COVID-19 ang bumisitang pari, sinabi ni Badong sa lahat ng pari at staff ng Quiapo Church ay sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 araw bilang mandato ng government guidelines.
Dahil sa lockdown, sinabi ni Badong na suspindehin muna ang lahat ng relief giving activities ng Quiapo Church.
Dagdag pa ni Badong na nasa 80 pari at staff ng Quiapo Church ang sumailalim sa rapid test noong Hunyo 25 at lahat ay nagnegatibo ang resulta.
Tiniyak ng Quiapo Church Parochial Vicar sa kanilang mga deboto na araw-araw isinasailalim sa disinfection ang naturang simbahan upang mapuksa ang pagkalat ng COVID-19.
“To our devotees, we still follow protocols. To those who will go here, you must observe physical distancing,” Badong advised the devotees.
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, binigyang-diin ni Badong na tuloy ang online masses at maglalagay din sila ng sound system at LED wall sa labas ng simbahan para sa lahat ng mga deboto na gustong dumalo sa kanilang daily religious activities.
Ayon kay Badong isasailalim sa lockdown ang Quiapo Church hanggang July 4, para obserbahan ng 14-day protocol ng pamahalaan.
“We are in continuous coordination with the Manila city government if we will be allowed to open Quiapo Church to the public before July 4,” dagdag ni Badong.
Kilala ang Quiapo church bilang Minor Basillica of the Black Nazarene, na madalas binibista ng mga Katolikong deboto upang manalangin sa mapaghimalang imahe ng Itim na Nazareno.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK