HALOS mag-wawalong buwan nang abnormal ang buhay ng sangkatauhan na namumuhay sa takot at kapraningan dahil sa krisis mundiyal na pandemya o plandemya sa mga ayaw maniwala sa nangyayaring kawalan ng direksiyong matakasan ang kasalukuyang kalagayan na ni sa panaginip noon ay di natin mararanasan. Paano matatagalan at matitiis ang mamuhay sa takot, agam-agam at mawalan ng kalayaang huminga ng sariwang hangin na kaloob ng Panginoon sa tao na nakatakip ang daluyan ng hanging nalalanghap na sangkap ng buhay ng bawat nilalang nang dahil sa mga eksaheradong impormasyon sa deklarasyon ng mga tinuturing na eksperto sa kalusugan na kumalat at nakamamatay na mikrobyo sa mundo
Ang ‘di mawari ng korner na ito, sa sobrang talino na ng tao na may mga nilalang pang nagmamalaking mas matalino pa sila sa Lumikha ay nagmimistula silang taga-tribung bopol na ang bawat karamdaman ay dulot ng sumpa ng mga nunong nasaling o nagambala ng tao sa kanilang sariling kaharian.
Ang mga sakit na kumakalat sa tao noong panahong wala pang kompyuter, makalumang siyensiya at wala pang social media ay itinuturing nang parusa ng Panginoon dahil sa kasalanan ng sanlibutan.
Pero ngayong moderno na ang teknolohiya na napaliit ang mundo sa aspeto ng komunikasyon atbp. ay mistulang sinauna pa rin ang tao na laging namamayani ang takot na dulot ng mga alarmists na dalubhasang may mga sariling interes.
Ang kasalukuyang krisis na kumakalat sa mundo dahil sa deadly daw ng virus ay itinuring ng pandemic na ikinamatay na ng iilan na mandadamay daw sa bilyong populasyon sa daigdig ng tao. Pero ang mas nakakaalarma ay ang virus ng kapraningang nanakot sa mundo bunga na rin ng kagagawang eksaheradong impormasyon ng mga eksperto daw na pinalala pa ng mga OA na balita sa tri- media at mga fake news sa social media.
Ito ang dapat labanan..ang ‘paranoiah virus o kapraningan… FIGHT THE VIRUS!!! Inyong tandaan, hindi malupit ang Maykapal na parurusahan ang kanyang nilikha. Ang mga pangyayari ngayon ay may dahilan. Manalig lang sa KANYA.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE