Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang aniya’y impunity at lack of accountability sa pagpatay sa mga politiko at iba pang personalidad, kabilang na rito ang pinaslang kamakailan lang na si Los Baños Mayor Caesar Perez.
Sa kanyang weekly radio show kasama ang co-host na si Ely Saludar, nagtataka si Robredo kung bakit naganap ang mga pagpatay na ito sa mas malupit na sitwasyon.
Noong Huwebes, Disyembre 3, binaril si Perez sa loob ng Los Baños municipal hall ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Matatandaan na pinatay din ang kapatid ni Perez na si Ruel ng dalawang armadong lalaki sa kabahaan ng national highway noong 2017.
Kinuwestiyon ni Robredo kung papaano nangyari ang pamamaril sa loob ng isang ligtas na lugar gaya ng town hall, gayung ilang kilometro lamang ang layo nito sa istasyon ng pulisya.
Nabanggit din ni VP ang nangyaring pamamamaslang kay Tanauan City, Batangas mayor Antonio Halili noong 2018 habang nasa isang flag ceremony, at ang pagpatay sa 27-anyos na umano’y drug suspect sa long ng isang hospital sa Angono, Rizal nitong kamakailan lamang.
“So iyong tanong ko lang, Ka Ely, bakit hinahayaang mangyari? Tapos iyong mga nangyari, may napanagot na ba?” tanong ni Robredo.
“Kapag nangyayari iyong ganito na walang napapanagot, kasalanan ng pamahalaan na hindi niya kaya protektahan iyong kanyang mga mamamayan,” daing pa nito.
“Masama na hindi naso-solve kasi ano iyon eh, pagpapakita ba na walang capacity iyong pamahalaan na mahanap kung sino iyong perpetrators nito?” dagdag pa nito.
Inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na siyasatin ang krimen na inaasahan ni Robredo magkakaroon ng magandang resulta.
Katiwaran ng Bise Presidente na ang kawalan ng pananagutan sa mga pagpatay na ito ay higit nagpapalakas sa masasamang loob upang gumawa ng masama.
“Kasi hindi naman napaparusahan iyong perpetrators,” pangamba niya.
“Mas natatakot ako sa impunity as a whole, na parang napakanormal na lang na mabalitaan natin na may mayor na pinatay, may judge na pinatay, may abogadong pinatay, may mediaman na pinatay,” dagdag pa niya.
Umaasa siya na maibibigay ng mga awtoridad ang hustisya ang pagkamatay ng mga politiko at public servant hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi maging sa kanilang nasasakupan.
Bumuo na rin ang Laguna provincial police ng isang task force na tututok sa pagkamatay ni Mayor Perez.
Ayon sa nakalap naming impormasyon, 53 judges, prosecutor at abogado habang 20 mayor at vice mayor ang napatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA