December 21, 2024

PARAÑAQUE NAG-SORRY SA DELAY NA PAGHAKOT NG BASURA

Humingi ng paunawa ang lokal na pamahalaan ng Parañaque sa publiko dahil sa delay na paghakot ng basura noong Enero 2.

Naglabas ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources ng pahayag kung saan ipinaliwanag na ang pagka-delay ng paghakot ng basura ay dahil sa transition ng garbage collector ng siyudad mula sa Leonel Waste Management Corporation na nalipat sa Metrowaste Solid Waste Management Corporation.

Ayon sa Facebook page post ng Public Information Office (PIO), kasalukuyang tinatapos ng lokal na pamahalaan ang paghakot sa basura sa main road.

Pagkatapos ay hahakutin din ang mga basura sa secondary at barangay roads sa siyudad sa madaling panahon.

Pinayuhan din ng city government ang mga residente na bisitahin ang official Facebook page ng CENRO Parañaque para sa mga update at iba pang detalya sa garbage collection.