Arestado ang isang pulis ng kanyang mga kabaro dahil sa pangangarnap umano ng motorsiklo at nakuhanan pa ng shabu sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Jomar Castillo, 32, PNP Member, nakatalaga sa Pasig City Police Sub-Station 2 at residente ng 101 Ususan St., Brgy., 27, Caloocan City habang pinaghahanap pa ang hindi kilalang kasama nito.
Sa pinagsamang imbestigasyon nina PSSg Jerry Basungit, PSSg Michael Oben at PCpl Racky Pagindas, dakong alas-11:35 ng gabi noong February 15, 2022, pinarada at iniwan ng biktimang si Niño Joseph Florendo Adriano, 27, IT personnel ang kanyang Yamaha XMAX sa kahabaan ng Gen. Luna corner Bernardo St., Brgy., Concepcion, Malabon City.
Makalipas ang 15 minuts ay bumalik siya subalit, laking gulat nito nang wala na ang kanyang motorsiklo sa pinaradahan niya na naging dahilan upang i-report niya sa Malabon Police Sub-Station 6 ang insidente.
Kaagad namang nagsagawa ang mga tauhan ng SS6 sa pamumuno ni PLT Romel Adrias ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa koordinasyon sa Tuna Police Sub-Station ng Caloocan Police sa pamumuno ni PLT Gilmer Agustin Mariñas at narekober ang isang Yamaha NMAX na nagsibing get-away vehicle ng suspek pati na rin ang ninakaw na motorsiklo.
Nakumpiska din sa naarestong suspek ang isang sling bag, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang nasa 4.28 grams ng hinihinalang shabu na nasa P29,104 ang halaga at PNP issued firearm na isang JERIChO 45 FS na may isang magazine at sampung bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016, Omnibus Election Code at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE