January 7, 2025

Para sa patas na halalan… GUANZON: MGA ARTISTA NA ENDORSER NG MGA KANDIDATO, I-TAX CHECK!

Binibigyang-diin ni retired election commissioner Rowena Guanzon na kahit walang batas na nagbabawal sa maagang pangangampanya, dapat tiyakin ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang patas at makatarungang halalan.

“There is no law banning premature campaigning (Penera vs. Comelec), but COMELEC should ensure fair play,” ayon kay Guanzon.

Iginiit din niya ang paggamit ng mga celebrity bilang mga endorser sa mga kampanya, hinihimok ang COMELEC na obligahin ang mga kandidato sa politika na magsumite ng mga kontrata kaugnay ng mga celebrity endorsements.

Pinuna rin niya ang paggamit ng mga celebrity bilang endorser sa kampanya, kung saan hinimok niya ang COMELEC na i-require sa mga kandidato na magsumite ng kontrata na may kaugnayan sa celebrity endorsements.

Suhestiyon pa ni GUanzon sa Bureau of Internatl Revenue (BIR) na dapat i-verify nila kung ang mga artista na sangkot ay wastong nagbabayad ng buwis sa kanilang endorsement deals at siguraduhin na sumusunod sa tax regulations.