Kaugnay sa isinagawang live chat, sa panayam ni TV sport anchor Sev Sarmienta ng Sports Page Episode 1, tinalakay ng ilang personalidad ng PBA ang tungkol sa posibilidad na muling pagbabalik ng liga. Kasama sa isinagawang talakayan sina Gov. Alfranchis Chua, PBA Commissioner Willie Marcial, Ginebra Gin Kings guard LA Tenorio, Meralco Bolts assistant governor Ryan Gregorio, NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao, at Cong.Chiqui Roa-Puno, Dominic UY at Philippine Daily Inquirer sports editor Francis Ochoa.
Target ng kampo ng PBA na maikasa ang 45th PBA season sa Oktubre. Kung kaya, naglatag na sila ng mga kongkretong hakbang upang maisakatuparan ang pagbabalik aksiyon ng liga. Ayon kay Barangay Ginebra Gin Kings Governor Alfrancis Chua, pinag-uusapan ng kapwa niya team governors ang pagpapasa ng plano kaugnay sa kahilingan nilang mapayagan ng IATF ang muling pagbubukas ng liga; dahil nais na ng ilang kampo nito ( mga coaches at players) na makabalik na sa aksyon.Gayunman, isinasalang-alang ng PBA ang pinansiyal at pangkalusugan na aspekto
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakikipag-ugnayan sila sa IATF upang mahilot ang pagnanais ng liga na muling makabalik ng aksyon. Isa na rito ang payaga ang bawat teams na makapagpractice na.
“As of now, we’re focused on resuming team practices first. We already set protocols and guidelines and we hope the IATF approves our proposal,” ani Comm. Marcial.
“But we didn’t set a deadline. Hindi natin pine-pressure ang gobyerno.”
“May nakahanda kaming Plan A, Plan B at Plan C, na ipapasa sa IATF at doon nakalatag ang gagawin nating precautions at hakbang kung papaano ang set-up ng liga. Kung wala tayong gagawin, wala talaga. Kaya, kung gusto nating muling makabalik sa eksena, kumilos tayo,” ani Gov. Chua.
“May isang team governor na nagsabi na if they don’t want to play because they’re scared, okay. (But) no work, no pay. Ayaw mo maglaro? Wala kang suweldo. Kasi kung pinayagan na tayo and everybody got tested and he still doesn’t want to play, mukhang nasarapan na sa tatlong buwan na sumusuweldo na hindi naglalaro,” aniya.
Sinusugan naman ni NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao ang tungkol ditto. Sangayon ang coach sa muling pagbubukas ng PBA. Basta, susundin nila ang protocol na ilalatag ng IATF kung sakaling payagan.
“To me, it boils down to two things: It’s either we wait for a vaccine or change our behavior (for the new normal). But (regardless), we have to start. Kailangan mag-umpisa tayo. Hindi tayo puwede maghintay sa gobyerno kasi ang dami nang problema ng gobyerno e. Hindi naman tayo iisipin ng gobyerno. Kailangan isipin natin ang sarili natin,” saad ng two-time PBA Coach of the Year.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2