NAKAPAG-SECURE na ng nasa P22.2 bilyon na pondo ang Maharlika Investment Corp. mula sa pamahalaan para sa investment commitments nito ngayong taong 2024.
Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Ammenah Pangandaman, ang naturang halaga ay mas mababa kumpara sa proposed P36.6-billion na corporate operating budget na una nang isinumite ng Maharlika Investment Corp. sa kanilang kagawaran para sa fiscal year 2024 na unang taon ng operasyon nito bilang isang State-run company na namamahala rin sa P125-billion na sovereign wealth fund ng Pilipinas.
Paliwanag ng kalihim, una muna kasing hiniling ng Maharlika Investment Corp. ang 60% ng P36.1-billion na dedicated fund nito para sa capital outlays mula sa total planned spending nito para sa taong 2024.
Samantala, sabi naman ni MIC President and CEO Rafael Consing Jr., ang budget na ito ay sumasalamin sa halaga ng mga investment commitments nito ngayong taon. “So hopefully, we’ll be in a position to do that by the fourth quarter. At least not necessarily deploy, but commit,” ani Consing.
“Because the reality is that you can’t really deploy until you’ve gone through all the diligence et al. So perhaps the deployment might occur in 2025, I think. But the commitments will all be made this year,” dagdag pa nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY