HANDANG gumamit ng puwersa ang gobyerno laban sa tangka na hatiin ang bansa, ayon sa isang security officials.
Ito’y matapos magbanta si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.
“The national government will not hesitate to use its authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember the Republic,” ayon kay National security adviser Eduardo Año
Dagdag pa nito, na walang magandang maidudulot sa bansa ang naturang panawagan at magpapababa lang ito sa territorial integrity ng bansa.
Hindi raw sagot ang secession sa mga isyu at pangangailangan ng Mindanao.
Dagdag pa ng opisyal, sisira din ito sa deka-dekada nang pagsisikap na itaguyod ang pagkakaisa sa lahi at mamamayan.
Ipinaalala ni Abalos na ang karapatan ng mga tao sa self-determination, tulad ng pagsusulong ng political, economic, social, at cultural development ay dapat isakatuparan alinsunod sa alituntunin ng isang estado.
Sa huli, hinimok ni Secretary Abalos ang lahat ng stakeholders na panatilihin ang pagpapahalaga sa integridad ng Saligang Batas para sa isang matatag at nagkakaisang bansa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY