November 24, 2024

Para makumpleto ang dynasty puzzle, Chris Paul, nais lambatin ng LA Lakers

Dahil sa hangad ng Los Angeles Lakers na dominahin ang NBA, isa sa naiisip nilang hakbang ang palakasin pa ang team.

Maraming moveable pieces ang Lakers na pwedeng ipalit sa mga rosters nito. Kapalit ng mas matindi pang stars sa liga.

Isa na rito si Chris Paul na naglalaro sa Oklahoma City Thunder. Ayon sa source, nais ni Paul na bumalik sa L.A. Ngunit, hindi sa Clippers. Kundi sa Lakers.

Si LeBron James at Paul ay Banana Boat buddies. Ayon kay Eric Pincul ng The Bleacher Report, si Paul ang final piece para sa Lakers dynasty puzzle.

 “Chris Paul would love to come back to L.A. I know it would be a dream come true for Chris,” ani ng isang Eastern Conference executive.

“I know LeBron loves and trusts him and he would be a good fit.”

Isa sa abilidad ni Paul ang outside shooting nito at pagiging ball-dominant player at passer. Isa rin itong playmaker. Malaki aniya ang maitutulong nito sa opensa ng Lakers.

Paul could ease the offensive load on LeBron and help set up Davis. Paul’s versatile and effective defense would also be an asset,” aniya.

Pumapalo sa $85,569,960 ang salary ng 35-anyos na si  Paul sa 2021 hanggang 2022 season. Kung kukunin siya ng Lakers, kailangang magbaklas nito ng $33,007,051 sa salary cap. Ibig sabihin, may pakakawalan silang players.

Ito’y katumbas ng 6 na players ng Lakers. Kung ikakasa ang trade sa Oklahoma, kaama sa package ang mga sumusunod:

Danny Green ($15,365,853)

Avery Bradley ($5,005,350)*

JaVale McGee ($4,200,000)*

Kyle Kuzma ($3,562,178)

Quinn Cook ($3,000,000)**

Alex Caruso ($2,750,000) or No. 28 pick ($1,964,760)***