January 23, 2025

Para makaiwas sa latigo ng Kamara, TV networks, kumikilos na

Matapos sitahin at aksyunan ang tungkol sa violations ng ABS-CBN mga Ka-Sampaguita, sinisiyasat na rin ng Kamara ang ibang network.

Sumasailalim ang iba pa kung may stockholder o may dayuhang nagma-may-ari sa kanilang network. Samakatuwid, ang Philippine Depository Receipts (PDR) ang tinutukoy natin, mga kababayan.

Kung ang isyu ng PDR ang isa sa naging mitsa ng pagpapasara ng ABS-CBN, iba naman ang siste ng GMA Network Inc.

Binawi kasi ng GMA ang inisyung PDR sa mga foreign investors. Sa madaling salita, may paglabag din ang Kapuso?

Sa closing ng Philippine Stock Exchange (PSE), biniling lahat ng board ng Kapuso ang lahat ng PDR na ibinenta ng GMA Holdings Inc. Ito ay nagkakahalagan ng P4.55 share.

Kaya nga, pinalagan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang isyung ito. Aniya, dapat naging patasang Kamara. Dapat aniyang  binigyan ng change ng Kapamilya na bawiin ang PDR.

Pinalalabas ni Rep. Lagman, na-single-out ang Kapamilya. Pinag-initan. Pero, sa siste ng GMA, binigyan sila ng change na itama ang sistema.

Dinipensahan naman ni Atty. Lary Gadon ang GMA. Aniya, ‘welcome development’ ang ginawa ng Kapamilya.

Kung nagkaroon ng buy back provision ang PDR ng ABS-CBN, mababawsan daw sana ang violation nila. Gayunman, may paglabag kahit papaano ang GMA.

Inagapan lang nila ang posibleng violation na ipupuwing sa kanila. Sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara, magkakaalaman na kung sinu-sinong network ang mga paglabag.