October 31, 2024

Para lumayas sa Pilipinas… TANSINGCO 60 ARAW ULTIMATUM VS 20,000 FOREIGN POGO WORKERS

TINANINGAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ng 60 araw ang tinatayang nasa 20,000 foreign workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang umalis sa Pilipinas.

 Ayon kay Tansingco, ang mga foreign nationals na nangtatrabaho sa POGOs at IGLs, gayundin sa iba pang kahalintulad na service providers ay bibigyan lamang ng 59 na araw para makapaghanda na umalis ng bansa.

Sa pagtaya ng BI, nasa 20,000 foreign workers sa nasabing mga industrya ang palalabasin ng bansa sa susunod na 2-buwan.

Hindi na din aaprubahan ng BI ang mga nakabinbing aplikasyon at mga bagong aplikasyon ng visa para sa POGO at IGL workers.

Ayon sa BI Chief, mayroon silang hawak na listahan ng mga dayuhan na trabahador ng POGOs at IGLs na nakuha nila mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).