Buhat nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, maraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay. Kung meron man, hindi regular.
Kung kaya, naging napakahirap ng buhay. Hindi alam ng iba sa atin kung saan kukunin ang budget o gastusin sa araw-araw.
Naubos o kung hindi man, nabawasan ng husto ng savings ng karamihan. At dahil nga sa mahirap gumalaw dahil sa pandemya, ilan sa ating mga kababayan ang pumasok sa online selling.
Sa pamamagitan ng internet o social media, doon nila ginagawa ang transaction. In short, doon nila ibinebenta ang kanilang mga produkto at serbisyo.
May naging matagumpay mula nang pinasok ang online selling.
Kumpurmi kung anong produkto ang ibinebenta nila.Karaniwang patok sa online na products ay ang wardrobes o mga damit. Beauty products, gadgets, souvernir items at iba pa.
Pero, nangunguna diyan ang ay pegbebenta ng pagkain at pagde-deliver nito.
Kung nais mong pasukin ang online selling at maging successful dito, narito ang mga tips.
Una, magkaroon ng engagement sa mga target mong customers. Maging honest sa pagde-deliver ng produkto at serbisyo.
Kailangang sakto o mas maaga pa sa inaasahang time ang oras ng pagde-deliver ng products.
Kapag bumaba ang presyo ng supply ng pinagmumulan ng raw materials ng iyong produkto, magbaba ka ng presyo. Pero, huwag babawasan ang kalidad nito.
Sumabay sa agos. Kung ano ang presyo ng iba, gayun ka rin. Nagkakatalo lang yan sa kalidad. Kung pakiramdam mo ay di ka lugi kung magbaba ka ng kaunti, gawin mo.
Kapag pumasok na sa iyo ang blessings, magkaroon ng inter-action sa iyong mga customers. Kaibiganin sila. Ipa-like sa kanila ang iyong Facebook Page. Kung may Youtube channel ka, ipa-subscribe sa kanila.
Magkaroon ng pa-raffle weekly kung kaya. ‘O kung malaki na ang iyong kinikita.
Sa gayun ay lalo kang tangkilikin at huwag bitawan ng iyong mga customers. Mula rito, madadagdagan pa sila na magiging parokyano mo.
More Stories
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
560th Air Base Group’s Civil-Military Operations Transform Lives Across Cebu