
Nagbabala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang opisyal ng ahensya at sangkot umano sa mga ilegal na gawain tulad ng extortion at “hulidap”.
Ayon sa PAOCC, hindi sila nagsasagawa ng operasyon nang walang tamang koordinasyon sa mga otoridad gaya ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), o iba pang awtorisadong law enforcement agencies.
“Hindi kailanman magsasagawa ang PAOCC ng operasyon nang mag-isa, at ito ay mahalagang maunawaan ng publiko,” ayon sa pahayag ng ahensya.
Dagdag pa nila, ang pagsunod sa tamang protocol ay mahalaga upang mapanatili ang integridad at tiwala ng mamamayan. (BG)
More Stories
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’
PAGASA: MATINDING INIT SA LUZON, POSIBLENG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA MINDANAO NGAYONG BLACK SATURDAY