December 23, 2024

Panukalang maglalatag sa National Nuclear Energy Safety Act ng bansa, pasado na sa ikatlong pagbasa

Masayang ibinalita ni House Special Committee on Nuclear Energy Chairman at Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco na lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Philippine House Bill No. 9293 o ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act. Itinatakda ng panukala ang pagpapatayo ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM) kung saan isasailalim ang regulatory functions ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI). Kasama rin Cojuangco sa larawan ay sina Gaylle Certeza, Dr. Alvie Astronimo at ang moderator na si Wilson Flores ng Pandesal Forum sa Quezon City. (Kuha ni ART TORRES)