MAHIGIT 400 na inmates ang pinalaya ng Bureau of Corrections ngayong araw.
Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Catapang Jr., karamihan sa 416 na lumayang PDLs ay mga mas nakakabata kumpara sa mga naunang nakalaya na sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinaksihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapalaya sa mga nasabing inmate.
Ayon sa kalihim, buwan-buwan ay magpapalaya ng mga inmates bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanilang paglisan sa piitan, ang mga PDL ay pinabaunan ng grooming kit at ng transportation allowance.
Ikalawang pagkakataon na ngayong 2023 na nagpalaya ng mga inmate ang BuCor.
More Stories
Grand parade, pinangunahan ng Tiangco brothers
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Hall’, Nasa YouTube na!
Gatchalian: Pag-amyenda sa Teachers Professionalization Act layong iangat ang edukasyon sa bansa