November 5, 2024

PANIBAGONG 516 KASO NG MABAGSIK NA DELTA VARIANT, NAITALA NG DOH

Na-detect ng Department of Health ang karagdagang 516 na kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Sa statement ng DOH, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), ang nasabing bagong kaso ng Delta variant ay mula sa 748 na sequenced samples galing sa 67 na mga laboratory sa bansa.

Sa 516 na ito, 437 ang local case, at 31 ang returning overseas Filipinos (ROF).

Habang ang nalalabing 12 ay patuloy pa nilang iniimbestigahan kung local o ROF.

114 sa 437 local cases ay mula sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ng DOH na anim sa 1,789 total Delta variant cases ang active, lima ang nasawi habang 505 ay nakarekober na.