May 9, 2025

PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO

Iginiit ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro na walang epekto sa nakatakdang impeachment trial ang pangunguna ni Vice President Sara Duterte sa presidential preference survey ng WR Numero Research Poll.

Anya ni Luistro, na miyembro rin ng House prosecution panel, anuman ang resulta ng survey ay kailangang ituloy ang impeachment process dahil bahagi ito ng kanilang constitutional duty.

Positibo rin si Luistro na makakatulong ang impeachment proceedings sa pagdedesisyon ng mamamayang Pilipino kung sino ang dapat iboto sa 2028 elections bilang nararapat na susunod na pangulo ng bansa.

Diin pa ni Luistro, ang impeachment trial ay pagkakataon din para kay VP Sara na linawin ang mga alegasyon na ibinabato laban sa kanya. (BG)