NAGDEKLARA ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa adhikain ng kilalang advocacy group na AKOOFW.
Sa pakikipag-usap ni Coco Naik, Vice Chairman for Political Affairs at radio broadcaster sa DWDD 1134 Khz AM station kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na buong puso na susuporta ito sa AKOOFW.
Naganap ang pag-uusap ni Naik at Presidente Duterte sa Davao City kung saan ay pinresenta ni Naik ang mga adhikain ng AKOOFW.
Kilala ang pangulo sa kanyang walang kapantay na pagmamalasakit sa mga OFW.
Habang ang AKOOFW ay kilalang NGO na tumutulong sa mga distressed OFWs sa ibang bansa.
Kamakailan ay inilunsad din nito ang kanilang AKOOFW Kusina ng Bayan na ang layunin ay matulungan ang mga mamamayan na naapektuhan ng pandemya sa buong National Capital Region at karatig na probinsiya.
More Stories
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN
3 lalaki na nasita sa ordinansa, kulong sa P125K droga