TINAMAAN ng COVID-19 ang 64-anyos na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos sumailalim sa antigen test, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
“The President has tested positive in an antigen test for COVID-19. He has a slight fever but he is otherwise okay,” saad ni Angeles.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagpositibo sa COVID-19.
Nagnegatibo naman si Representative Sandro Marcos kahit na kasama nito ang kanyang ama.
Samantala, naka-out of town naman ang iba pang miyembro ng First Family.
Nag-negative na rin ang iba pa nitong close contacts; habang ang iba pa nitong nakasalamuha sa mga presidential activites ng mga nagdaang araw, kabilang na ang oath-taking ng mga new officials, ay inabisuhan na rin ng Presidential Management Staff.
Hindi na rin makadadalo si Marcos sa ilang mga aktibidad na naka-schedule ngayong araw kabilang na ang paggunita ng US Independence Day sa US Embassy.
Samantala, dadalo pa rin ito ‘virtually’ sa pulong ng Liga ng mga Gobernador at Alkalde.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sasailalim si Marcos sa mandatory na seven-day isolation. Hindi na rin daw ito kinakailangang sumailalim pa sa confirmatory RT-PCR test, dahil accurate ang antigen test sa kung symptomatic ang isang infected individual.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda