November 24, 2024

Pangulong Marcos bumisita at nagbigay ng tulong sa Valenzuela, Navotas at Malabon

Bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Lungsod ng Valenzuela, Malabon at Navotas para suriin ang epekto ng bagyong Carina at Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila na naging dahilan upang isinailalim na sa state of calamity ang National Capital Region (NCR). Nagsagawa sin ng ocular inspection si PBBM sa nasirang Navotas-Malabon navigation gate na isa sa mga dahilan upang tumaas ang tubig baha sa dalawang lungsod. Nagpasalamat naman sina Mayor WES Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Mayor Jeannie Sandoval sa pangulo sa pagbisita nito para alamin ang pangangailangan ng bawat residente at magbigay ng karagdagang tulong na maaaring maipaabot para sa mga apektadong komunidad. 

NAGPAABOT ng pasasalamat sina Mayor WES Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Mayor Jeannie Snadoval kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbisita nito sa Valenzuela, Malabon at Navotas Cities para suriin ang epekto ng bagyong Carina at Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila na naging dahilan upang isinailalim na sa state of calamity ang National Capital Region (NCR).

Si Pangulong Marcos, kasama si Mayor WES Gatchalian, ay nag-inspeksyon sa Valenzuela City Command and Coordinating Center (VCC3), na matatagpuan sa ALERT Building, Barangay Malinta at Malanday National High School, na kasalukuyang kumukupkop sa maraming evacuees. Namahagi ang Pangulo ng mga relief goods sa mga apektadong residente at pinuri ang pagsisikap ng lungsod sa pamamahala sa krisis.

Sa kanyang pagbisita, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan para sa pinabuting komunikasyon sa pagitan ng mga operator ng dam at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang napapanahong mga babala at paghahanda para sa mga komunidad sa ibaba ng agos. Sinabi niya na ang mas mahusay na koordinasyon ay maaaring makabuluhang mapahusay ang pagiging epektibo ng mga hakbang sa pagtugon sa kalamidad.

Nasalamat naman si Mayor WES sa pagbisita ng Pangulo, na binibigyang diin ang kahalagahan ng pambansang suporta, kauwang ang mga lokal sa mga pagsisikap sa pagbawi upang tugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga residente at magplano ng mga pangmatagalang solusyon sa paresolba sa pagbaha.

Sa huling ulat ng Valenzuela, nasa 5,623 families at 21,289 individuals ang nanatili sa 81 evacuation centers kung saan patuloy naman ang pamahalaang lungsod ng pagbibigay sa kanila ng tulong at mga pagkain.

Sunod na pinuntahan ni PBBM ang Lungsod ng Navotas at Malabon para personal na magsagawa ng ocular inspection sa nasirang Navotas-Malabon navigation gate na isa sa mga dahilan upang tumaas ang tubig baha sa dalawang lungsod.

Nagpasalamat naman sina Mayor John at Cong. Toby, “Maraming salamat sa pagbisita, President Bongbong Marcos! Salamat din po sa handog ninyong 1,800 food packs, 500 family kits, at 288 6-liter bottled water para sa mga evacuees. Ramdam namin ang malasakit at pagmamahal ninyo sa mga Navoteño”.

“Nawa’y mabilis pong maiayos ang navigational gate para maiwasan na ang pagbaha sa Navotas at Malabon, at bumalik na sa normal ang buhay ng mga residente,” dagdag nila.

Nagpasalamat din si Mayor Jeannie sa pangulo sa pagbisita nito para alamin ang pangangailangan ng bawat residente at magbigay ng karagdagang tulong na maaaring maipaabot para sa mga apektadong komunidad.