
“Mananalo si Pangulong Duterte kung kakandidato siyang senador sa 2022 national elections.” Ito ang tinuran ni senatorial aspirant Alan Peter Cayetano. Ani ng kinatawan ng Taguig-Pateros, walang mali kung kakandidato ang Pangulo sa pagka-senador. Legal aniya ito at moral.
Ang pahayag ng dating senador at congressman ay pag-upat sa mga di sang-ayon ng mga kritiko. Na ayaw ng mga ito na lumusong sa senado ang Pangulo.
Malalaman lamang ang pasya ni Pangulong Digong kapag sumapit na ang Nobyembre 15. Na siyang huling araw ng pagkasa ng pato. Gayundin ng palit-pato kapag may nagwithdraw na mga kandidato sa posisyong puntirya nila.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF