IPINAGDIRIWANG ng Department of Toursim (DOT) ang pagkilala sa Panglao, Bohol, bilang isa sa 10 trending destinations para sa 2025 ng Skyscanner.
Ayon sa DOT ang pinakabagong achievement na ito ay patunay lamang ng nakakahumaling na ganda ng isla at ang paglago ng global interest sa Pilipinas.
Kilala ang Bohol dahil sa kanilang diverse tourism offerings at inilarawan ng Skyscanner bilang “emerging as another Asian wellness and wellbeing destination, and a great alternative to more familiar places in Europe.”
Kinahuhumalingan ngayon ng mga bisita ang malilinis na beach ng Panglao, Chocolate Hills, at eco-sites tulad ng Loboc River, Tarsier Sanctuary at marami pang iba.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA